Ang Labstori ng Isang Chatter

Facebook.. Yahoo.. Skype.. Twitter.. at kung anu ano pang apps o Application ang pwede na nating gamitin para makipagcommunicate sa mga friends natin here and abroad. Sa dinami daming paraan di malabo na makatagpo tayo ng isang tao na makakaintindi sa mga trip natin. Yung tipong yung gusto mo, hilig nya din. Kung ano yung paborito nya, paborito mo rin. At kung ano mga ginagawa nya, ginagawa mo din. At dahil nga magkapareho kayo ng mga trip ay hindi nyo namamalayang napapalapit na kayo sa isa’t isa.

Hindi naman malayo sa katotohanan ang mga nangyayari sa CHAT. Sa una lang talaga biruan kase, nag-a-adjust pa ang bawat isa. Pero kalaunan, pag tumagal na ang paguusap nakakabuo na tayo ng isang koneksyon na maaring dahil nga sa pareho kayo ng trip o kaya sadyang baliw lang talaga kayo.Madalas mao-OP ka kase agkakakilala na yung iba at matagal ng tambay sa isang chatroom. Pero di mo kailangan mafeel left out kase di ka makasingit sa usapan. hintay ka lang ng chance. ika nga eh makachansing ka din. hehehe!

Anyway ayun nga.. sa dinamirami ng mga chatter tiyak may makikita kang isa na kapareha ng brain wave pattern mo.

Una, chat chat lang kung saan kayo madalas tambay na room, tapos magbibigayan na yan ng FB. At syempre kung bet mo talaga yung taong yun, iistalk na yung mga pictures, post at kung anek anek pa. after mong magbrowse, yung mga post naman nya iisa-isahin mo at ila-like at magcocomment kahit wala kang kinalaman sa post nyang “Gusto ko ng Taho.”

Continue pa din ang pagchachat at magbibigayan na ng number. Naku po di na nakuntento sa chat at FB may text pa.. (ou naman noh, panu pag di ka OL?) hahaha. Maya’t maya magtetext kahit wala lang naman ang sasabihin, “kumain ka na?” lol, anu parrot lang? hahaha. Magloload ng regular para makatext sya kase ibang network pala. Kailangan pag nagtext ka, aasahan mong magrereply agad sya. (kahit may work teh?! bawal maging busy?)

Chat pa rin.. stalk ng FB.. text 24/7..

Eto na ang EB.. kita kita din pag may time. Makikita mo kung sino ang photogenic at kung sino ang trulalu sa byuti! haha.. Kita.. Usap.. Ngiti.. Tawa.. Usap ule.. uwian na.

After the heartwarming get together, syempre magttext ka “.. i’ve had a wonderful evening. tnx!” Syempre dapat english para sosyal. Ngek.. di ka syempre matutulog kase iniexpect mong magrereply sya. Pero after four thousand jurassic years.. NGANGA!

Sa Skype, offline na lagi.. sa FB di na nagla-like back o kaya nagco-comment.. wala na ding reply sa txt.

at ikaw na si kawawang chatter, nasanay na laging kausap siya eh.. may seself destruct! lol. At lalo pa nakita mong OL sya at may ibang kausap.. waahhh! you will try to interrupt but there’s no use.. dedma ang byuti mo!

Magmu-move on ka at kakalimutan ang lahat! (emo lang?) At hahanap ng bagong prospect. hehe!

Ang labstory ng chatter, cycle lang. You’ll have to follow the steps in order to find what you’re looking for. But ofcourse it really depends on each person how you will handle the situation. like they always say, its just all in the mind. whatever you ย want in life, if you focus in getting them, u will in time. anu konek?! ^^

and whatever it is your reason for using such apps, u should know the consequences of your action and be responsible enough to stand for them.

I am a chatter.. dont care what you’ll think about me. lol

^_____^